Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sandiganbayan: Ex-Cong Floirendo 8 taon kulong sa TADECO-BuCor deal

0 233

Pinatawan ng anim hanggang walong taon na pagkabilanggo ng Sandiganbayan si dating Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo matapos itong mapatunayang guilting sa kasong may kinalaman sa irregular na pagpasok sa isang Joint Venture Agreement (JVA) sa pagitan ng Bureau of Corrections (BuCor) at pagmamay-aring kompanya na Tagum Agricultural Development Co. Inc.(TADECO)

Base sa 23 pahinang desisyon ng anti-graft court, malinaw umano na nagkaroon ng conflict of interest sa panig ni Floirendo dahil incumbent congressman ito ng Davao del Norte noong 2003 nang pumasok ito sa kontrata para sa pag-upa ng lupain ng Bureau of Corrections na paglabag sa Section 14 ng Anti-Graft and Corrupt Practices.

Bukod sa pagkakakulong ay diskuwalipikado na rin umano si Floirendo na magtrabaho sa public office.

SM food to go Banner Ad

“Clearly, there is a need for a public officer to make a divestment of shareholdings or any pecuniary or financial interest once the possession of such pecuniary or financial interest becomes prohibited, regardless of whether or not a situation of conflict of interest has arisen,”nakasaad sa desisyon ng Sandiganbayan kung saan malinaw umano na si Floirendo pa rin ang nagmamay-ari ng 75,000 shares of stock ng kompanya kahit na kongresista na ito.

“The accused’s indirect pecuniary or financial interest in the 2003 agreement falls within the prohibition of the Constitution. Considering the foregoing, this court finds that the violations of Anti-Graft and Corrupt Practices law are present,” ayon pa sa desisyon.

Ang JVA na pinasok ng TADECO sa Bucor ay para sa pag-develop sa 3,000 hektaryang lupain ng Bucor sa Davao Penal Colony na gagawin bilang banana plantation.

July 1969 nang magkaroon ng JVA sa pagitan ng Bucor at nang mapaso ang kontrata makalipas ang 25 taon ay ni-renew ito noong 2003 subalit kongresista na si Floirendo at mayroon na umanong conflict of interest. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.