Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sandoval nagpasilip

0 154

Body goals!

Kung busy man ang karamihan sa paglafang ngayong Kapaskuhan, iba si volleyball star Carla Sandoval dahil panggising ang kanyang galawan.

SM food to go Banner Ad

Sa kanyang Instagram account nitong Linggo, kita ang wet look na katawan ng Choco Mucho Flying Titans outside hitter dahil sa pawis matapos mag-workout.

“Gym time,” caption ng 23-anyos, may taas na 6-1 at former Philippine SuperLiga (PSL) star na lumipat sa Premier Volleyball League (PVL) mula sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP)-UST Golden Tigresses.

Habang sa POebrero pa ang planong balik ng PVL, kanya-kanyang papawis at sunog taba mula ang mga balibolista upang ma-maintain ang kalusugan at maging handa sakaling ibalik na ang team practice. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.