Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sandra Cam, 6 pa yari sa vice mayor slay

0 428

Nakatakdang sampahan ng kaso ng Office of the Prosecutor General si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board member Sandra Cam, ang kanyang anak at limang iba pa kaugnay sa pagpaslang kay Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III noong Oktubre 9, 2019 sa Sampaloc, Maynila.

Ayon sa OPG, sasampahan ng kasong murder ng Department of Justice (DOJ) si Cam, Marco Martin Cam, Nelson Cambaya, Junel Gomez, Bradford Solis, Juanito De Luna, at Rigor dela Cruz.

Bukod pa rito ang kasong frustrated murder na isasampa sa kanila dahil sa pagkasugat ni Alberto Alforte IV.

Hindi pa inilalabas ng DOJ ang resolusyon na inisyu nina Prosecutors Josie Dugay at Eugene Yusi na umano’y may petsang Pebrero 22,2021.

Nabatid na si Gomez, Solis, De Luna, at Dela Cruz ay una nang naaresto kung saan nakuha sa kanilang van ang mga armas.

Sinabi naman ng misis ni Yuson na si Cam lamang ang may motibong manakit sa kanila matapos matalo ng anak ni Yuson na si Charmax ang anak ni Cam na si Marco noong 2019 mayoral election sa Batuan town.

Una nang itinanggi ni Cam na may kinalaman siya sa pagpaslang na naging daan pa para kasuhan ng libel ang mga miyembro ng media na sumulat ng balita. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.