Abante Tonite Interactive

Sandra Cam dinawit sa pagpatay sa Masbate town vice mayor

336

Posibleng anggulo ang politika sa dahilan ng pagpatay kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III noong Miyerkoles sa Sampaloc, Manila.

Ayon kay Manila Police District homicide section chief Police Captain Henry Navarro, kanila munang titingnan ang mga ebidensya na posibleng magkabit sa politika sa pagpaslang kay Yuson.

“Isa po ‘yan sa anggulo na tinitingnan natin. We have yet to receive the actual and sworn statement para po maging konkreto ang bagay na iyan,” saad ni Navarro.

Pinalutang din ni Yuson ang pagkapanalo ng anak ni Yuson na si Charmax Jan bilang mayor sa parehong probinsya kontra naman sa anak ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam.

Saad pa ni Navarro, lima umanong supporter ni Yuson ang napaslang sa campaign period.

Dinepensa naman ni Cam na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni Yuson.

“I have nothing to do with the ambush,” ayon kay Cam. “It is so unfair that our family is being dragged into this, we’ve moved on from that election.”

RP