Abante Tonite Interactive

Sandra Cam kinasuhan ng libel si Ramon Tulfo

552

Sinampahan ng kasong libel ni Philippine Cha-rity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam ang kolumnistang si Ramon Tulfo Jr.

kaugnay ng dalawang artikulo na isinulat nito na umano’y naglalaman ng ‘unjustified and unfounded’ na akusasyon laban sa kanya.

Noong nakaraang Mayo, lumabas ang da-lawang artikulo sa The Manila Times na may titulong ‘That woman Sandra Cam’ at ‘The Law of Karma and Trillanes,’ na ayon kay Cam ay pawang libelous o mapanirang puri.

Sa nasabing article, tinawag ni Tulfo si Cam na ‘No. 1 intriguer in the PCSO’ kung saan idinagdag pa na ito ang nagparating ng maling balita sa Malacanang na tinangap ni Balutan ang bribe money kung saan ang pinatutungkulan ay si Marine Brig. Gen Alexander Balutan na kamakailan ay sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang general manager ng PCSO.

“Ramon Tulfo’s published libelous article containing accusations that I am corrupt government official and a drug trafficker are false and are but malicious imputation of crimes tending to cause dishonor and to discredit me in my personal and official capacity,” sabi pa ni Cam.