Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sandra Cam resort niratrat, 2 bata sapol

0 134

Sugatan ang dalawang menor de edad matapos paulanan ng bala ng apat na suspek na riding in tandem ang isang resort na pagmamay-ari ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board of Directors Sandra Cam Linggo ng gabi sa Butuan, Masbate.

Ginagamot ngayon sa Masbate Doctors Hospital ang 14-anyos na dalagitang biktima na nasapul sa paa.

Ang 9-anyos namang batang lalaki na anak ng caretaker ng resort ay sa tiyan nabaril.

Sa ulat ni Police Major Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol PNP, naganap ang insidente alas- 7:47 ng gabi sa Zandra’s Beach Resort sa Barangay Canvanes sa nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagba-basketball ang mga biktima sa loob ng compound ng resort nang dumating ang dalawang motorsiklo lulan ang apat na suspek kung saan parehong armado ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang mga backriders.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pagtapat sa bukas na gate ng resort ay agad pinaulanan ng bala ang loob kung saan tinamaan ang dalawang biktima tsaka mabilis na tumakas.

Mariin namang kinondena ni Cam ang pamamaril.

“We strongly condemned the shooting incident that victimized two minors during this Christmas season, this period of critical crisis of pandemic. Political violence must be set aside and focus only on gift giving to less fortunate kababayans” pahayag ni Cam.

Kumbinsido si Cam na politically motivated ang insidente na ang hangarin ay maghasik ng takot sa mga residente ng Batuan at sa kanilang mga supporters dahil nangyari ang insidente matapos ang kanilang isinagawang gift giving.

Lubhang dinaramdam ni Cam na may dalawang inosenteng bata ang nasugatan sa insidente.

“We are just waiting for the investigations being conducted by our police authorities. Let the justice be served immediately” dagdag pa ni Cam. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.