Abante Tonite Interactive

Sandra Cam tinabla sa hinihinging 1,700 sako ng bigas sa PCSO

By
6,583

Tinanggihan ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang hi­ling na 1,700 kaban ng bigas at mga grocery items ni dating jueteng whistleblower Sandra Cam, para umano sa gift giving program noong nakaraang Pasko.

Nanindigan si PCSO general manager Ale­xander Balutan na kahit board member si Cam, hindi umano basta-basta naglalabas ng pondo ang ahensiya kung hindi sa calamity projects at kailangan umanong dumaan pa sa board at hindi palakasan ang sistema.

“I rejected it because the PCSO Charter does not allow this unless these areas she wants to give support or aid are under a state of cala­mity. The request which she endorses to me was not even presented for discussion in a board meeting. Saan ko naman kukunin ang sako-sakong bigas at groceries na ‘yan na ibibi­gay niya sa mga residente ng Metro Manila?” katuwiran ni Balutan.

Dagdag pa nito, ang sulat ni Cam ay nakapetsa ng Disyembre 15, 2017, matapos lamang ang kaniyang appointment bilang PCSO board at ilang araw lamang matapos ang pag-atake niya sa maluho umanong Christmas party ng ahensiya.

Balak umano ni Cam na mamahagi ng 10 kilo ng bigas sa bawat pamilya sa kabuuang 10,500 pamil­ya na target ng kanyang programa sa lungsod ng Quezon, Marikina, Pasig, Manila, Caloocan, Navotas, Muntinlupa, Parañaque, Taguig, Valenzuela, Las Piñas, Malabon, Pasay, Makati, Mandaluyong at San Juan City, kabilang pa ang bayan ng Pateros.

Ayon pa kay Balutan, kailangang pag-aralan muna ni Cam ang charter na Republic Act 1169 bago siya humiling ng kung ano-ano dahil appointed official na siya.