Abante Tonite Interactive

Sandra tumuwad, mga barako nagliyab

1,263

Umaapaw sa sex appeal ang former Binibining Pilipinas candidate na si Sandra Lemonon.

Makikita ito sa isa sa Instagram post ng dalaga habang nasa magandang isla ng Siargao. Suot ang kanyang sexy neon green swimsuit, kakagigil ang porma niyang nakatuwad, at mayroon ding nakabalandra ang kanyang wetpaks.

Nakadagdag sa kanyang alindog ang tila misteryosa niyang ngiti na lalong nagsilbing magnet sa mga red blooded male.

Havey ang tindig ni Sandra dahil bukod sa kanyang makurbang katawan at wow na wow na legs, pang-beauty queen talaga ang kanyang ganda. Ang kanyang slim and curvy body figure ay nakapagpapainit sa maraming barako.

Si Sandra ay sumubok din last year sa “Pinoy Big Brother: Otso”, ngunit nag-back-out bago naging official housemate sa Bahay ni Kuya. Desidido siyang mai- represent ang Pilipinas one day sa Miss Universe kaya naghahanda na rin si Sandra para sa Bb. Pilipinas 2020.

Pampabuwenas pagmasdan sa mga kalalakihan ang kanyang kariktan. Siya ang tipo ng babaeng kayang-kayang magbigay ng kakaibang init sa mga barako. Walang lalaking hindi pagpapawisan nang malapot at hindi pagnanasaan ang kanyang taglay na alindog.

Mangangatog ang tuhod ng bawat lalaking masisilip ang hot na porma ni Sandra. Boy’s delight ang alindog niya. (Nonie Nicasio)