Abante Tonite Interactive

Sanga, Caloocan ungos sa N’Ecija

180

Mga laro ngayon: (AUF Gym, Pampanga)
4 p.m. – Imus vs Basilan
6:30 p.m. – Bicol vs Davao Occ.
8:30 p.m. – San Juan vs Pampanga

Humukay si Paul Joseph Sanga ng 24 points, 7 rebounds at 1 assist sa 25:18 job nang alpasan ng Caloocan Supremos ang Nueva Ecija Mi Guards, 92-90, sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 elims Lunes ng hapon sa Bulacan Capitol Gym sa Malolos.

Ang tapang at kagitingan ng 6-foot-1 guard-forward mula sa Iloilo ang nagpadomina sa laro at bawi ng Supremos sa pagkadapa sa Quezon City Capitals, at nag-angat sa baraha nilang 8-7 sa pagkapit sa Group A 8th spot.

“Yung malaking part na nawala sa amin is si Almond (Vosotros). Sa amin sabi ko as a senior,’ ‘wag tayo magkanya-kanya, stick tayo sa system natin magtutulungan tayo sabi ko,” litanya ni Sanga. “Saka ‘wag nating gawing kompitensya ‘yung pagkawala ni Almond.”

Nakaagapay ni Sanga sa Caloocan si Rene Pacquiao na may 13 markers at 11 boards upang padausdusin ang NE sa anim na dikit na tilapon sa pagkakapos sa paghahabol sa Caloocan sa 18 points down para sa 2-11 win-loss slate at baon nito sa North Division 15th place.

Nawalang halaga lang ang 17 pts. ni John Paul Sarao at tig-12 markers nina Marlon Monte at Levi dela Cruz sa Novo Ecijanos. (Aivan Denzel Episcope)