Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sangalang Dela Rosa ‘di tiyak vs Phoenix

0 103

Clark Smart Giga City – Hindi napakinabangan ng Magnolia sina Ian Sangalang at Rome Dela Rosa kontra Meralco noong Martes sa 45th PBA Philippine Cup elims sa Smart 5G-powered AUF gym sa Angeles.

Nasa bench lang ang dalawa habang nakikipagpukpukan ang Hotshots, kalaunan ay natisod sa Bolts sa overtime 109-104.

Unang nakumpirma ang pagkawala ni Dela Rosa na inabot ng hyperextended knee sa 87-81 loss sa Alaska noong Sabado.

Bumalik ang pananakit ng likod ng 28-anyos na si Sangalang.

Related Posts

Kuwestiyonable kung makakalaro na ang Lubao, Pampanga native big man sa balik ng Hotshots kontra Phoenix mamaya.

Day-to-day ang dalawa, pero mas malamang na ipahinga rin muna ni coach Chito Victolero si Dela Rosa.

Kontra Bolts ay si veteran Rafi Reavis ang pinag-start sa center ni Victolero, kahalili sina Kyle Pascual at Aris Dionisio.

Pipilitin ng Magnolia na umangat mula sa 1-3 card. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.