Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sangalang dinadaga sa kabarangay

0 181

Espesyal na kalaban.

Ito ang turing ni long-time Magnolia Hotshots cager Ian Sangalang sa rival team na Barangay Ginebra San Miguel.

Kung ikukumpara sa ibang koponan, mas napapagod ang Pambansang Manok big man pagdating sa Ginebra dahil kailangan nilang magdagdag ng extra effort.

“Actually hindi ko na nararamdaman ‘yung pagod every game na maglaro kami sa court pero iba ‘yung feeling kapag kalaban ang Ginebra lalong -lalo na kung hindi bubble,” pag-amin ni 28-anyos cager sa Sports Page Huwebes.

Isa pa sa rason ng 6-foot-7 forward/center , nz mas kailangang kumayod sa court tuwing ‘Manila Clasico’ dahil sa lamang ang Ginebra pagdating sa fanbase.

“Siyempre gustong-gusto mong ibigay ‘yung best mo. ‘Pag lumalamang na sila (Ginebra), kalaban mo na rin ‘yung fans nila,” panapos na pahayag ni Sangalang, inaming apektado sila sa hiyaw ng mga kabarangay.

“Nada-down naman kami kapag nag-iingay ‘yung fans nila.” (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.