Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sangalang hiyang sa Clark

0 119

Clark Smart Giga City – At home na at home si Ian Sangalang sa Clark bubble.

Parang homecourt na rin ng Magnolia big man ang Smart 5G-powered AUF gym sa Angeles, Pampanga.

Tubong Lubao ang 6-foot-7 center/forward, masaya lang na nakakalaro sa sariling probinsiya at araw-araw nakikita ang mga Kabalen.

SM food to go Banner Ad

“Pagdating ko dito, parang lahat ng nakikita ko puwede ko kausapin ng Kapampangan,” natatawang pahayag ng 28-year-old.

Pinagkaiba lang ay walang fans na nakakapasok sa venue.

“Wala ring masyadong advantage, pero masarap sa feeling nandito ako sa Pampanga. Saka iba ang hangin dito,” dagdag ni Sangalang. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.