Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sangalang mahaba ang pasensiya

0 47

Umapaw sa bench ang mainit na sagupaan sa loob ng court ng Don Honorio Ventura State U gym sa Game 1 ng Magnolia-Meralco PBA Philippine Cup semifinals noong Linggo.

Umpisa pa lang hanggang matapos ang 88-79 win ng Hotshots, pisikal at emosyonal na ang laro.

Duguan si Bolts forward Cliff Hodge nang magkabuhol sila sa ilalim ng counterpart na si Jackson Corpuz. Sagutan ang dalawa, naawat din at nabigyan ng technical.

Kulang 2 minutes pa, sina Meralco big man Raymond Almazan at Hotshots coach Chito Victolero ang nabigyan ng T dahil sa sagutan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ilang sandali matapos mapakalma, nag-usap din ang dalawa.

Bahagi lang daw ‘yun ng laro, hindi mapigilang emosyon sa series.

“Nagkaroon lang kami ng konting verbal interaction ni Raymond but we are okay,” ani Victolero sa postgame presscon. “It’s part of the game and hindi naman mawawala ‘yun. I will learn from that and Raymond also learned from that.”

Nirendahan ni Ian Sangalang ang sariling emosyon, tahimik na kumayod ng 18 points, 8 rebunds para timunan ang Hotshots habang nasa foul trouble ang partner na si Calvin Abueva.

“Na-handle namin ang emotion,” ani Sangalang. “Wala kaming iniisip, laro lang kami. Si coach na bahala sa sidelines, mananalo kami.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.