Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sangalang, misis nag-inuman

0 322

‘Di man umabot sa semis si Magnolia Hotshot star Ian Paul Sangalang, panalo naman ito sa kanyang misis nang maka-bonding na niya agad pag-uwi mula sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup bubble sa Clark, Angeles, Pampanga.

Sa Instagram story Martes ng misis ni Sangalang na na si Eunice, Malaya na silang nakapag-loving loving dahil tapos nang mag-duty sa bola ang 28-year-old, 6-foot-7 center/forward ng Pambansang Manok.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero dahil may banta pa ng Covid-19, sa kanilang bakuran na lang muna nag-date ang magdyowa.

“Date night Bbq & wine sa ilalim ng puno,” caption ni Eunice.

Halos dalawang buwan ding nawalay si Sangalang sa pamilya nang makulong bubble. Ang koponan rin niyang ang pinakaunang pumasok roon noong Setyembre 28 kumpara sa iba na Oktubre 5 nagdatingan. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.