Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sangalang tahimik na tirador

0 57

Tuloy-tuloy ang magarang laro ni Ian Paul Sangalang kaya malapit na sa finals ng 46th Philippine Basketball Association 2021 Philippine Cup ang Magnolia Pambansang Manok sa Bacolor, Pampanga.

Kalmado, epektibo ang 29-anyos at 6-7 na center-forward sa pagposte ng 16.0 points at 9.3 rebounds sa three games nitong Oct. 3-11 para tanghaling Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Dinaig niya sa award sina San Miguel Beer teammates June Mar Fajardo at Terrence Romeo. Si Sangalang din ang nanalo ng weekly citation na ito noong July 19-25. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.