Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sanggol, 5 health worker na-COVID sa Cabanatuan

0 186

Isang 4-buwang gulang na sanggol at isang 2-anyos na paslit ang napasama sa 15 katao na bagong nagpositibo kamakalawa sa COVID 19 sa Cabanatuan City, na kinabilangan din ng 5 healthcare workers sa humahabang talaan ng mga tinatamaan ng virus sa lungsod.

Sa inisyung ulat na COVID-19 Watch ng City Health Office, umabot na sa 1,082 ang nagpositibo at may 105 aktibong kaso na nakakalat sa 56 mula sa 89 na barangay ng Cabanatuan.

Ang 4 na buwang gulang na sanggol na lalaki ay mula sa St. Nicolas Subdivision, Brgy. Bantug Norte na nahawa sa nagpositibo ring kasama sa bahay. Samantalang ang 2-anyos na totoy ay mula sa Purok 5 ng Brgy. Bantug Bulalo na nahawa rin sa dalawang na-COVID na kasambahay.

Nabatid na isa sa na-virus na healthworkers ay mula sa Brgy Mabini Extension at tig-2 mula sa Brgy. Mabini Homesite at Brgy. Bantug Norte. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.