Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sanggol ayaw papasukin sa ospital, tigok

0 36

Matapos tanggihan ng pribadong ospital, patay ang mahigit isang-buwang-gulang na sanggol sa Cauayan City, Isabela noong Martes.

Sa reklamo ng ina ng sanggol na si Lyn Albano ng Barangay District 2, Cauayan City ng nasabing lalawigan, dinala nila ang kanyang anak sa isang pribadong ospital dahil gusto nilang i-admit ito dahil hirap ito sa paghinga.

Nais aniya niyang ma-oxygen ang anak dahil napansing hirap na huminga ngunit hindi sila pinayagang makapasok ng mga staff ng nasabing pagamutan dahil kailangang sumailalim muna sila sa COVID-19 swab test bago papasukin.

Ayon sa Cauayan City Police Station (CCPS), nakiusap si Albano na kung puwede ay utangin muna nila ang bayad sa swab test ngunit hindi pumayag ang pamunuan ng ospital.

Dito, naghanap ng pera ang ina pambayad ng virus test kaya naiwan ang kanyang isa sa mga anak na nagbabantay ng kapatid na sanggol ngunit pagbalik ng nauna ay patay na ang baby.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Albano na walang ginawa ang pagamutan, na hindi muna pinangalanan, para iligtas ang buhay ng kanyang anak.

Nais nilang sampahan ng kaso ang pamunuan ng ospital upang hindi na maulit sa iba ang sinapit ng sanggol.

Samantala, ayon kay Jonas Albano, kapatid ng sanggol, tumitirik na ang mata ng kanyang kapatid habang sila ay nasa labas ng ospital at nagpapatulong siya sa dalawang nurse ngunit hindi man lang sila inasikaso at sinabing patay na ang sanggol kahit gumagalaw pa naman ito.

Wala pang pahayag ang mga opisyal ng ospital hinggil sa insidente. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.