Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sanggol binasura ng nanay

0 127

PINAGHAHANAP ngayon ng Tabuk City Police Station (TCPS) ng Kalinga ang isang ina na nagbasura sa bagong panganak na sanggol sa Barangay Laya East kahapon ng umaga.

Ayon kay Kalinga Police Provincial Office (KPPO) director P/Col. Davy Vicente Limmong, natagpuan ng mga barangay officials na nagsasagawa ng clean-up drive ang wala ng buhay na lalakeng sanggol sa gilid ng kalsada sa nasabing barangay alas-7:15 ng umaga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Limmong, nahulog umano ang sanggol sa drainage canal nang itaas ang sako na inakalang naglalaman ng basura.

Inilagay sa pulang supot ang baby bago isinilid sa sako na tinatayang 2-araw nang naipanganak.

Ang sanggol ay inilibing na pagkatapos alayan ng dasal ng pulisya. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.