Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sanggol hinigop ng baha

0 64

Dedbol ang isang taong gulang na sanggol nang aksidente siyang mahulog sa baha sa Cotabato.

Sa report, nangyari ito sa bayan ng Pikit.

Kuwento ng ina ng bata, pinasok ng tubig ang kanilang bahay kaya umakyat sila sa bubong.

Doon na nahulog ang sanggol at saka tinangay ng rumaragasang baha.

Sinubukan siyang iligtas at hinabol ng ina sa baha pero mabilis ang agos ng tubig.

Samantala, binaha rin ang bayan ng Pagalungan sa Maguindanao.

Gumamit na ng balsa ang mga residente para makatawid. Naglagay naman ng sanggol sa batya para matiyak na ligtas itong maitatawid.

Ang malakas na buhos ng ulan kamakailan ang itinuturong dahilan ng matinding pagbaha sa mga lalawigan ng Cotabato at Maguindanao. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.