Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sanggol nakalunok ng aspile, ina nagpasaklolo

0 63

Nagpapasaklolo at humihingi ng tulong ang isang ina matapos makalunok ng push pin o aspile ang kanyang baby 9-sa Kidapawan City.

Sa salaysay ng inang si Ana Mae Denaguit, nasa loob sila ng milktea shop nang hindi niya napansin na naabot ng kanyang 9-month baby ang aspile na nakadikit sa bulletin board.

Nalaman na lamang umano ni Denaguit na https://www.bernardspharmacy.com naisubo na ng sanggol ang aspile nang ubo na ito ng ubo at nang ibuka ang bibig ng bata ay nakita niya ang aspile na nasa bandang lalamunan na nito.

Dahil sa pagkataranta ay tinangka ng ginang na abutin ang ang push pin sa lalamunan pero tuluyan na itong nalunok ng sanggol.

Sa isinagawang x-ray ay nakitang nasa bituka na ng sanggol ang pin.

Sinabi ng doktor na kapag hindi nailabas ng bata ang pin na nasa bituka nito sa loob ng tatlong araw ay kailangan na itong operahan kaya kinakailangang maghanda na umano ang ginang ng P50,000 hanggang P100,000. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.