Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sanggol napugutan habang iniluluwal

0 59

Patay ang isang sanggol nang mapugutan umano habang isinisilang sa isang ospital sa Bangued, Abra.

Ayon sa isang ulat nitong Martes, nalaman lamang ng ina ng sanggol na naputol ang ulo ng kanyang baby nang maiuwi sa kanilang bahay ang bangkay nito.

Sa ngayon ay nagsasagawa na umano ng imbestigasyon ang Abra Provincial Hospital sa insidente.

SM food to go Banner Ad

Plano ng pamilya na kasuhan ang nasabing pagamutan.

Samantala, paliwanag naman ng ospital, namatay ang sanggol habang ipinagbubuntis kaya kinailangan itong mailabas para mailigtas ang ina. Handa rin anila silang harapin ang kaso. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.