Abante Tonite Interactive

Sanggol napugutan sa motorsiklo

SANGGOL NAPUGUTAN SA MOTORSIKLO

691

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang sanggol matapos mapugutan ng ulo sa isang aksidente sa bayan ng Laoang, Northern Samar.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, angkas ng motorsiklo ang bata kasama ang ina nito at lola na nagmaneho. Pauwi na umano ang mga ito galing sa isang clinic sa bayan ng Catarman upang ipa-checkup ang sanggol.

Para proteksiyunan ang sanggol sa init, tinakpan umano ng ina nito ng tela ang mukha ng sanggol ngunit ito pa ang naging mitsa sa buhay ng anak.

Abante Hiring – IT dep

Pagsapit ng mga ito sa Brgy. Rawis, sumabit ang tela sa gulong ng motorsiklo na naging dahilan upang maipit ang leeg ng bata hanggang sa maputol.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang ina ng sanggol at lola nito.