Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sanggol nasagip sa babaeng kidnaper

0 67

Kalaboso ang isang babae matapos itong mahuli sa tangkang pagtangay sa isang sanggol sa bayan ng Calasiao, Pangasinan noong Huwebes.

Ayon kay Calasiao Police Station (CPS) duty officer P/Lt. Ramil Castro, ang suspek ay pansamantalang itinago sa pangalang Sally.

Sa salaysay ng ina ng biktima, madaling-araw noong Huwebes nang pasukin ang kanilang bahay at tinangkang tangayin ni Sally ang anak na natutulog sa kanyang tabi.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kasi ‘yung cellphone ko nasa ilalim ng unan ko. Kung hindi raw po yung cellphone, yung baby po yung kukunin niya. Gawain na niya, ibebenta siguro, kasi yung mga nakukuha niyang gamit binibenta niya po,” anang ina sa pulisya.

Sinabi ng CPS na tinangka pa umanong tumakas ng suspek pero hinabol ito hanggang sa makorner.

Nabatid na kailan lang ay pinasok din ni Sally ang isang bahay at nagnakaw ng cellphone.

Hindi makuhaan ng maayos na pahayag ang suspek dahil sa may kapansanan umano ito sa pagdinig at pananalita. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.