Abante Tonite Interactive

Sanggol ni Kim sinilang ng ‘surrogate mom’

805

Ibinalita ng reality star na si Kim Kardashian ang pagdating ng anak niyang lalaki sa pamamagitan ng surrogate. Masaya nilang tinanggap ang ikaapat na sanggol — at pangalawang anak na lalaki noong Huwebes.

Sa kaniyang Twitter account ibinahagi niya sa mahigit 60 million na followers na magiging kamukha ito ng nauna nilang anak na si Chicago. At ipinahayag ni Kim noong Sabado na ang dalawang-araw na gulang na sanggol ay ang pinaka- kalmado at chill na anak.

Unang isinilang si Chicago noong Enero 2018 sa pamamagitan din ng surrogate process. May tatlo ng anak si Kim at ang asawang Kanye West .

Ang prosesong surrogacy ay desisyon ng doktor ng reality star dahil mapanganib sa kalusugan ni Kim sakaling magbuntis pa ito. Ang 38-taong-gulang na Keeping Up With The Kardashians star ay nagbahagi ng mga larawan ng ginanap na baby shower at ibinahagi ang kanyang pagmamahal sa kanyang bagong anak na lalaki – na ang pangalan ay nananatili pa ring isang lihim sa mga sandaling ito.Sinamahan siyang nag-celebrate ng kanyang pamilya, kabilang si Kris Jenner, lola MJ, mga kapatid na babae na si Khloe, Kourtney at Kylie, mga kapatid na si Stormi at Penelope at mga anak na babae na North at Chicago.

Dumalo rin sa nasabing baby shower si Paris Hilton — ang kanyang dating boss pero naging kaibigan niya gayundin sina Larsa Pippen, Chrissy Teigen, Jen Atkin and E! stars Olivia Pierson and Natalie Halcro. (Lourdes Fabian)