Abante Tonite Interactive

Sanggol sinupot, sinabit sa gate

400

Ibinalot sa plastic, sinabit sa gate at walang puso na lang na iniwan ang isang halos kaluluwal pa lamang na sanggol sa Barangay Tangub, Bacolod City.

Bago natagpuan ang nasabing bagong silang na baby na inabandona sa gate ng isang bahay sa loob ng Gardenville Subdivision ng naturang barangay ay inakala muna itong basura.

Nabatid naman kay Police Major Charles Gever, hepe ng Police Station 8, na natukoy lamang na sanggol ang laman ng plastic na supot dahil sa kinakahulan ito ng aso at dala ng kuryusidad ay binusisi ang laman hanggang sa bumulaga sa may-ari ng bahay ang isang sanggol na babae na pinaniniwalaang bagong panganak pa lamang dahil may bahid pa ng dugo ang pusod.

Agad namang itinurn-over ang sanggol sa police station at sa tulong ng social welfare ng barangay ay inilagak ito sa Señor Sto. Niño orphanage.