Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sanggol todas sa sumalpok na tricycle, 3 sugatan

0 76

Patay ang isang buwang gulang na sanggol habang sugatan naman ang tatlong iba pa kabilang na ang kanyang mga magulang, matapos na sumalpok ang sinasakyan nilang tricycle sa nakaparadang trak sa Mondragon, Northern Samar nitong Miyerkoles.

Dead on arrival sa ospital ang sanggol na kinilalang si John Mike Delda Acibar.

Sugatan naman ang magulang niya na sina Jonel Lopez Acibar, 24, at Mylene Resurecion Delga, 18.

Kabilang pa sa sugatan ang tricycle driver na si Joseph Galupo Abalos, 29.

Ayon sa ulat ng Mondragon Municipal Police Station, naganap ang insidente dakong alas-4:00 kamakalawa ng hapon sa Brgy. Bugko ng nabatid na bayan.

Lulan ng tricycle ang pamilya na minamaneho ni Abalos at patungo sana sa bayan ng Catarman nang bumangga ang kanilang sinasakyan sa isang trak na puno ng mga kargang troso ng niyog at nakaparada sa tabing kalsada.

Mabilis namang rumesponde ang ilang residente at agad isinugod ang mga biktima sa pinakamalapit na pagamutan subalit hindi na umabot pa nang buhay ang sanggol.

Samantala, pinag-aaralan ng pulisya kung sasampahan nila ng kaso ang drayber ng trak dahil sa pagpaparada nito sa tabing kalsada. (Kiko Cueto/Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.