Abante Tonite Interactive

Sangkot sa mga fraudulent claim pananagutin

354

Tiniyak ni Senator Christopher Lawrence ‘Bong Go’ na makakasuhan ang mga opisyal ng PhilHealth na sangkot sa pagnanakaw ng bilyon-bilyong pondo ng ahensiya sa pamamagitan ng ‘fraudulent claims’.

Ayon kay Sen. Go, na siyang Chairman ng Senate on Health, walang puwang ang korapsyon sa administrasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte.

“Hindi po ako papayag na hindi managot ang mga dapat managot. Kahit sa hu­ling sentimo na pera ng gobyerno ay dapat wala pong masayang dahil iyan ay mula sa kontribusyon ng taongbayan” pahayag ni Sen. Go.

Sinagot din ng bagitong senador mula sa Davao City ang patutsada ng ilang oposisyon senator na hindi kayang parusahan ng adminstrasyong Duterte ang mga corrupt PhilHealth official.

Aniya, “Huwag silang magsalita ng tapos dahil baka mapahiya sila.”
Lumabas din sa senate inquiry na matagal ng ginagawang ‘gatasan’ ng mga tiwaling healthcare facility at mga korap na opisyal ng PhilHealth.