Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sanglaan boss tinadtad ng saksak

0 128

Tadtad ng saksak at patay na nang matagpuan ang isang babaeng manager ng pawnshop kamakalawa ng umaga sa Kalibo, Aklan.

Alas-9:00 ng umaga nang mabungaran ang bangkay ni Bonna Antay, 23, sa loob ng RD Pawnshop sa Mabini St. Poblacion, Kalibo, Aklan, kung saan ito nagtatrabaho bilang manager.

Sa ulat ng pulisya, ang pang-umagang duty guard ng pawnshop ang nag-ulat hinggil sa krimen.

Ayon sa guwardiya, pagpasok pa lang niya ay alam na niyang may mali sa binabantayang establsimento dahil nakita niyang sarado pa ang roll-up door habang bukas ang secondary gate ng sanglaan.

Pagpasok ay nakita niya ang bangkay ng biktima na naliligo sa sariling dugo.

SM food to go Banner Ad

Sa crime scene ay natagpuan ng pulisya ang isang uniporme ng security guard na may name tag na Torrefel MA, itim na tsinelas, posas, coin purse at tuwalya na pag-aari ng isa pang sikyo ng pawnshop na si Mark Archie Torrefel, 31, na pinaniniwalaang suspek sa pamamaslang sa dalaga.

Wala naman umanong nawala sa loob ng sanglaan.

Sa kuha ng CCTV camera ng sanglaan, alas-5:30 ng hapon nitong Linggo, umalis si Torrefel sa tanggapan at sumakay ng traysikel bitbit ang kalibre .38 baril na pag-aari ng sanglaan.

Pinuntahan ng mga pulis sa bahay si Torrefel subalit wala na ito dito kasama ang kanyang live-in partner. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.