Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sanitary landfill sa Bataan pinagmumulta

0 70

Pinagmumulta ng Environmental Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (EMB-DENR) ang Econest Waste Management Corporation (Econest WMC), operator ng Hermosa Sanitary Landfill Facility sa Bataan dahil sa paglabag sa Environmental Compliance Certificate (ECC).

Sa 17- pahinang resolution ni EMB OIC-Director, Engr. William Cunado, dapat magbayad ang Econest ng P150K penalty sa paglabag sa mga kondisyon ng ECC.

Ipinag-utos din ni Engr. Cunado sa Econest na agarang isailalim sa rehabilitasyon ang landfill at alisin ang mga nakalalasong basura para sa kaukulang treatment at disposal, kaukulang handling at disposal ng mga electrical at electronics wiring rubber insulators na natagpuang nakatambak sa project site.

Una nang binisita ni Hermosa Mayor Jopet Inton ang lugar at isinilbi ang cease and desist order mula sa Hermosa LGU na nag-uutos na pansamantalang itigil ang operasyon ng Hermosa SLF.

Bago ang pagpapasara, nagpalabas ng hiwalay na notice ang Hermosa LGU at EMB-DENR sa Econest WMC dahil ang operasyon nito ay walang valid Discharge Permit at Hazardous Waste Generator Registration Certificate at ang ilan nilang treatment units ay walang protective lining dahilan para ma-contaminate ang groundwater contamination dahil sa leachate seepage.

“Furthermore, considering the violations are on the ECC conditions and in line with the accountability clearly indicated in the Sworn Statement of the Owner/Authorized Representative executed by Atty. Beulah Coeli C. Fiel, President of Econest, dated October 24, 2017, which states ‘I Beulah Coeli C Fiel, proponent of the Sanitary Landfill Facility located in Brgy. Mambog, Hermosa, Bataan, takes full responsibility in complying with all conditions contained in this Environmental Compliance Commitment (Environmental Compliance Certificate or ECC)'” nakasaad pa sa resolosyon ng EMB.

Ang ECC na naibigay ng EMB sa Econest WMC ay sinuspinde rin ng ahensiya dahil sa mga paglabag sa environmental laws ng pamaalaan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.