Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santiago, Ageo wagi sa Japan V.League

0 216

Nagdeliber nang mahalagang 11 points sa likod ng nine attacks at two blocks si Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago upang pamunuan ang Saitama Ageo Medics sa pagpapasabog sa NEX Red Rockets 26-24, 20-25, 25-21, 25-17 at angkinin ang korona ng 27th Japan V.League Division 1 V Cup 2021 nitong Linggo sa Ota City General Gymnasium sa Tokyo.

Tinanghal na unang Pinay volleybelle ang 25-anyos, 6-4 ang taas at tubong Tanza, Cavite na middle blocker na sumungkit ng kampeonato sa isang indoor women’s volleybvall league sa abroad.

SM food to go Banner Ad

Binura niya ang old record niyang bronze medal finish na nakamit din sa nabanggit na liga sa naturang ding team noong January 2020.

Tinapos ng Medics ang torneo na walang talo sa pitong laro, kabilang ang March 20 straight sets win kontra Rockets sa qualification match. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.