Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santiago babalik sa nat’l team

0 297

May 250 araw na lang ang natitira upang mabuo at makapaghanda ang national women’s indoor volleyball team para sa 31st Southeast Games 2021 sa Hanoi, Vietnam sa November 21-December 2.

Kumpara sa national men’s team na may historic silver medal finish sa PH 2019 SEA Games, wala sa podium ang women’s squad na mamanduhan sa taong ito ni coach Arthur Mamon.

Matagal nag-men’s national coach, nais ni Mamon na mabuo na sa lalong madaling panahon ang 25-player training pool na huhugutin niya by invitation via training camp bubble, at inaasahan niyang pangungunahan ni Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago mula sa pagkampanya sa Japan V.League.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“We are very keen on discovering new talents and siyempre kailangan ma-utilize ang mga veteran players,” aniya Miyerkoles sa The Game. “Nag-set na ng guidelines ang PNVFI (Philippine National Volleyball Federation Inc.).”

Ilan pa sa mga minamataang mga balibolista pa ni Mamon sina veterans Alyssa Valdez, Abigail Maraño, Jovelyn Gozagai at iba pa.(Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.