Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santiago, Bagunas siksik ng buwenas

0 34

Pasiklab ng 17-point game si Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago nang balikatin ang Ageo Medics sa pagsorpresa sa Denso Airybees, 25-23, 24-26, 25-17, 25-22, sa 28th Division 1 Women’s V.League 2021-22 regular round sa Kita Gas Arena Sapporo 46 sa Japan Sabado ng hapon.

Ang second straight win ng Pinay import at kampo niya’y nagsampa sa kanila sa sixth place sa 5-4 win-loss slate, hinaltak ang biktima sa 6-3 kahit ‘di natinag sa fifth spot.

Magtutuos din agad para sa rematch ngayong Linggo ng ala-2:00 nang hapon sa naturan ding playing venue ang dalawang team.

Sa 54th Division 1 Men’s V.League 2021-22 regular round, kumayod naman ng 23 points si Bryan Bagunas upang tuldukan ang pitong kabit na kamalasan ng Oita Miyoshu Weisse Adler.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ginulantang ng Pinoy reinforcement at Oita ang JTEK Stings, 25-23, 11-25, 12-25, 25-22, 15-13 para sa second victory sa nine-match kahit nagpirmi lang sa ninth spot, sinalya ang kalaban sa 5-4 na hindi rin nagalaw sa pang-anim na puwesto sa likod ng 5-4.

Binuno ni Bagunas ang 23 markers mula sa 19 kills, 3 blocks, at 1 ace.

Muling babalik sa CNA Arena Akita ang Oita at Stings para sa muling pagtutuos din sa araw na ito simula sa ala-1:00 nang hapon. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.