Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santiago, Chery bobomba na

0 39

Agad matatasahan ang balik ligang si Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago sa Chery Tiggo na sasalpok sa PLDT sa siklab ngayong Sabado ng ala-1:00 nang hapon ng 1st Premier Volleyball League Open Conference 2021 sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Pukpukan din ang Perlas at Cignal sa alas-4:00 nang hapon habang sa alas-7:00 nang gabi ang bakbakan ng defending champion Creamline at mapanganib na Sta. Lucia.

Isasagawa rito ang ‘bubble set up’ kung saan walang mga fan sa playing venue.

Papagitna naman bukas ang Petro Gazz Angels at Army sa alas-3:00 nang hapon, at ang Bali Pure at Choco Mucho sa alas-6:00 nang gabi. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.