Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santiago, Chery Tiggo kakaliskisan Home Fibr

0 58

Ramdam na ni Chery Tiggo Crossovers middle blocker Jaja Santiago ang excitement sa 2021 Premier Volleyball League Open Conference ngayong umentrada na ang mga koponan sa kanilang bubble sa Laoag, Ilocos Norte.

“Mas lalong nakaka-excite kasi ‘yun nga na nandito na kaming lahat sa Laoag. Nagkikita-kita na kami ng mga team na makakalaban namin,” litanya ni Santiago sa “The Game” ng One Sports.

Ani Santiago, bagama’t limitado ang kanilang mga napupuntahan sa loob ng bubble dahil sa rules at protocols, sabik pa rin ito para sa pagbabalik laro ng volleyball sa bansa.

SM food to go Banner Ad

“Kahit ganun nakaka-excite pa rin kasi eto na ‘yung pinakahihintay ng lahat. After one year and a half yata na walang volleyball, magkakaroon na tayo. At the same time, magtatapat-tapat na ‘yung mga team na hindi natin nakikitang nagkakalaban before,” kwento ng 6-foot-5 multi-awarded middle blocker.

Makakatapat agad nina Santiago at ng Chery Tiggo ang PLDT Home Fibr Power Hitters sa opening day ng 2021 PVL Open Conference sa Hulyo 17 sa PCV Socio-Civic & Cultural Center sa Bacarra. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.