Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santiago, Chery winalis Cignal

0 39

Naging malupit sina Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago at Ariane Mae Layug para pangunahan ang Chery sa pagwalis sa Cignal, 25-16, 25-13, 26-19, para maagang solohin ang liderato ng Premier Volleyball League (PVL) 2021 Open Conference elims sa PCV Socio-Civic and Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte Lunes ng gabi.

Humagupit ang dalawa ng tig-15 points – si Santiago mula sa 22 spike attempts samantalang si Layug sa 11 spikes, 3 service ace at 1 block.

Tumulong rin sa opensiba para sa second straight win ng Crossovers na may maganadang rotation ng bola si setter Jasmine Nabor na nagmarka ng 12 toss habang toka naman sa depensa si Beatriz Duremdes na may 11 digs.

Mabilis na naalpasan ng wining squad ang HD Spiker dahil tumagal lang ang bakbakan ng 1 oras at 19 na minute, panundot ito sa straight set win din sa utol ng karibal na PLDT sa pagbubukas ng women’s pro league bubble nitong Sabado.

Hindi naman naging sapat ang effort ni Janine Nicole Marciano na 12 markers para bigyan sana ang Cignal (0-1) ng magandang panimula. (Aivan Denzel Episcope)

Sa panghimagas na sagupaan, wagi ang Petro Gazz (1-0) sa Black Mamba Philippine Army (0-1), 25-19, 22-25, 25-20, 25-21. (Aivan denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.