Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santiago modelo ng kapwa player

0 60

Naniniwala si Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon Suzara na marami pang mga Pinoy player ang susunod sa yapak nina Alyja Daphne’ Jaja’ Santiago, Marck Jesus Espejo at Bryan Bagunas para maging import sa ibang bansa.

Balik sa Japan si Santiago para muling maglaro sa Saitama Ageo Medics sa 28th V.League 2021-22 sa Oct. 15-Apr. 17, sasalang si Bagunas sa Oita Miyoshi Weisse Adler ng V.League rin, at si Espejo’y naglaro noong isang taon sa Bahrain.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I think maybe in the next two years, we could have more players playing in other countries,” sey ni Suzara sa online Philippine Sportswriters Association Forum Martes.

“I’m very optimistic there will be more opportunities for our players, especially that we have a lot of tall players,” panapos niya sa talakayang mga hatid ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel, Braska Restaurant, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart at Upstream Media. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.