Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dindin atat nang pumalo

0 84

Hindi na napigilan pa ni Philippine SuperLiga (PSL) star at dating Japan V.League Division 1 import Aleona Denise ‘Dindin’ Santiago-Manabat na ma-miss ang paglalaro lalo na ngayong may mahigit pitong buwan na ang pandemya.

Sa kasalukuyan, batak parin sa pagpapakondisyon ang Chery Tiggo Crossovers ace player para mapanatili ang kanyang tikas.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Tutok sa kanyang workout routine ang 27-year-old, 6-foot-2 opposite hitter/middle blocker na makikitang sa kanyang Instagram story nitong Miyerkoles.

Hirit ng beteranang balibolista, “Namimiss ko na! Kailan kaya ulit makakapalo at makakalaro?!”

Ang beach volleyball pa lang ng PSL ang binigyan ng go signal ng Inter Agency Task Force (IATF) on Emerging Inectious Disease kaya tengga pa ang indoor volleyball. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.