Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santiago, Medics pupog sa Airybees

0 36

Hindi sumapat ang 23 points ni Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago upang putaktihin ang Saitama Ageo Medics ng Denso Airybees sa rematch marathon game, 24-26, 23-25, 25-23, 25-18, 11-15, sa 28th Division 1 Women’s V.League 2021-22 regular round sa Kita Gas Arena Sapporo 46 sa Japan Linggo ng hapon.

Kapos para sa koponan ang 18 attacks, apat na kill blocks at isang service ace ng Pinay import para sa Saitama na nalugmok sa sosyo sa PFU Blucats para sa sixth spot sa 5-5 win-loss slate sa 12-team indoor volleyfest.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakauna noong Sabado si Santiago na trumabaho ng 17-point game at kampo sa sa paglambat sa Airybees, 25-23, 24-26, 25-17, 25-22.

Toka sa Ageo sa Nobyembre 27 ang nasa kulelat, may 0-11 na Toyota Auto Body Queenseis. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.