Abante Tonite Interactive

Santiago ‘nagwala’ sa Japan

594

Gumawa ng kasaysayan sina Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago at Saitama Ageo Medics nang makapasok sa semifinals ng 26th Japan V. Premier League Division 1 2019-2020 Star Conference.

Limang set ang kinailangan ng Ageo Medics, 25-20, 16-25, 23-25, 25-23, 15-12, upang pabagsakin ang NEC Red Rockets nitong Linggo sa 12-team volleyfest.

Lumagare si Santiago ng 20 points, 17 mula sa atake habang nagpakawala si co-reinforcement Katarina Barun ng 26 markers.

Pumangalawa ang Ageo Medics tangan ang tatlong panalo sa talaan ng Group A at para makapasok sa Final 8 ng torneo.

Makakaharap ng Ageo Medics ang top seed team na JT Marvelous ng Group B sa susunod na linggo para sa semis. (JAT)