Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santiago papalo uli sa Japan

0 111

Nakatakdang magbalik sa Japan sa darating na Setyembre si Premier Volleyball league star Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago upang maglarong muli muli sa Saitama Ageo Medics sa V.League.

Isiniwalat ng 25-year-old, 6-foot-5 middle blocker sa ‘Post-Game’ podcast Linggo, na pinayagan na siya ng Philippine National Volleyball Federation upang humampas sa Land of the Rising league magbubukas sa Oktubre.

“By September, siguro, September 1, makabalik na ako. Basta maayos ko na ang papers ko, as soon as possible, talagang babalik na ako ng Japan,” lahad ng dalagang balibolista, na nag-Conference at Finals MVP sa katatapos na PVL 2021 Open Conference kung nagkampeon din ang Cherry Tiggo na team niya. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.