Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santiago, ‘Pinas gigibain Thailand

0 47

Handang tibagin ni Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago at ng mga kasamahan sa national women’s volleyball team ang 14 na ulit, kabilang huling 12 sunod na pagrereyna ng Thailand sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Ayon kay Santiago noong Miyerkoles, ang Thais ang No. 1 karibal sa korona ng mga Pinay volleybelle sa 11-nation, biennial ports meet na itatanghal sa Mayo 12-23.

“This time I think malaki ang chance natin kasi marami sa Thailand retired na ang mga beterano and nag-compose sila ng mga bata. Tayo magkahalong mga bata at beterano,” litanya ng balibolista sa send off sa kanila ng Philippine National Volleyball Federation sa Taguig.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dinugtong pa ng 6-foot-5 middle blocker, “So I think malaki ang chance natin to win against Thailand.”

Pumang-apat at kulelat ang ‘Pinas sa 2019 SEA Games volley noong 2019 na ginawa sa bansa.

Lilipad pa-Vietnam ang Nationals sa darating na Martes. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.