Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santiago puntirya 2nd title sa Japan

0 75

Kayod uli sa Japan si newly-crowned 2021 Premier Volleyball League bubble champion Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago sa pagsabak sa 28th V.League 2021-22 sa parating na October 15– April 17 sa Japan.

Ibinahagi Linggo ng Chery Tiggo star sa kanyang Instagram post na balik-misyon isiya bilang import ng Ageo Medics.

“Back to mission,” caption ng 25-anyos, may taas na 6-5 na middle blocker sa litratong pinost suot ang jersey ng nasabing Japanese women’s indoor volleyball team.

Bukod sa titulo, naiuwi rin ni Santiago ang season at Finals MVP ng PVL matapos kargahin sa korona ito kontra Creamline. Nasa team din ang utol niyang si Aleona Denise ‘Dindin’ Santiago Manabat at ang nobyang si Maika Ortiz.

Aasintaa si Jaja ng pangalawang korona para sa Ageo Medics. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.