Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santiago tinutulak mag-‘Japayuki’

0 442

Accept the offer. Mag-Japayuki ka!

Ito ang hirit ng mga netizen sa alok na pagpalit nationality ni Pinay volleyball star Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago.

“Grab the opportunity. We wont judge. It is for the best esp you’re at your prime,” pagkukumbinsi ng isa pa niyang follower.

Lunes nang isiwalat ng 25 taong-gulang, 6-4 ang taas, tubong Tanza, Cavite na middle blocker na inaalok siya ng Japan V.League team niyang Saitama Ageo Medics na magpa-convert bilang Japanese o naturalized volleybelle.

“Every athlete’s dream is to play for the Olympics and Japan can make that happen. Accept the offer. Congratulations,” sey pa ng isa.

Pero giniit ng dalaga na nabigla man siya sa nakapaglalawan na alok, dinedma niya muna ito at sabik na maglaro sa Pilipinas na pangarap niyang madala sa Olympics. Naghahanda si Santiago sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference na magbubukas sa June. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.