Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santiago tuloy laro sa broad

0 48

Hindi isinaisantabi ni volleyball star Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago na patuloy maglaro sa ibayong dagat sakaling hindi pa rin bumalik sa Philippine SuperLiga (PSL).

Nasa ikatlong taon na niya sa Japan V.League sa Ageo Medics Volleyball Team, ipinahayag ng 25-year-old, 6-foot-5 former PH national player, na tatapusin niya muna ang kasaluyagang season sa Land of the Rising Sun bago magpasya sa susunod na kalalagyan ng playing career.

Si Santiago ang isa sa mga bisita nitong Martes sa virtual weekly Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum na mga hatid ng San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart at Upstream Media.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinananapos niya na nagpadala rin ang agent niya ng kanyang kredensiyal sa iba pang liga sa mundo na gaya sa China, Italy at Turkey. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.