Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santiago, Valdez rambol sa finals

0 134

Team effort ang susi para makuha ng Creamline ang inaasam na titulo, ayon kay Alyssa Valdez.

“It’s a total team effort for the Cool Smashers,” suma ng volleyball star makaraaang walisin ng Cool Smashers ang Petro Gazz sa Philippine Volleyball League 2021 Open Conference ‘Bubble’ best-of-three semifinals noong Lunes para sa makakalaban sa finals.

Puntirya ang pang-apat na titulo, haharapin ng defending champions sa Game 1 ng race-to-two win finals ang Chery Tiggo ngayong Miyerkoles ng alas-5:00 nang hapon sa PCV Socio-Civic & Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Tutulong kay Valdez sina Jema Galanza, Jia Morado, Michele Gumabao at Tots Carlos kontra Crossovers na umalpas sa do-or-die Game 3 laban sa Choco Mucho 25-16, 26-24, 25-23 Martes ng hapon.

Bibida naman sa Chery ang magkapatid na sina Jaja Santiago at Dindin Santiago-Manabat. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.