Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santiago winalis 2 MVP

0 130

Ginawang sariling palabras ni Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago at ng Chery Tiggo ang nagwakas na Premier Volleyball League 2021 Open Conference na natapos sa PCV Socio-Civic and Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte Biyernes ng gabi.

Na-sweep niya Conference Most Valuable Player at Finals MVP bukod pa sa sinakote ang Best Middle Blocker pagkaraang magpasiklab sa Crossovers upang patalsikin sa trono ang pinapangunahan ni Alyssa Valdez na Creamline sa marathon, knockout Game 3, 23-25, 20-25, 25-21, 25-23, 15-8.

Pinamunuan ng 25-year-old, 6-foot-5 middle blocker buhat sa Cavite ang kanyang team sa eliminations- semifinals sa 14.82 points per game kung saan hanggang Final Four ang cut-off sa conference awards. Sa finale, umangat pa ang pts. average niya sa 25.3.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Kasalo ni Santiago sa Best Middle Blocker si Marivic Velaine ‘Ria’ Meneses ng Petro Gazz na pumangatlo sa liga,

Best Outside Spikers sina Cool Smasher Alyssa Valdez at Angel Myla Pablo, Best Opposite Spiker si Katrina Mae ‘Kat’ Tolentino ng Choco Mucho na pumang-apat sa kumperensya, Best Setter si Julia Melissa ‘Jia’ Morado ng Creamline, at Best Libero si Kathleen Faith ‘Kath’ Arado ng Petro Gazz. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.