Abante Tonite Interactive

Santillan killing pinareresolba sa PNP

By
0 158

Pinakikilos ni Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ang Philippine National Police (PNP) para madaliin ang pagresolba sa kaso ng pagpatay kay Richard Santillan.

Si Santillan na sinasabing napatay sa shootout noong Disyembre 2018, ay dating bodyguard ng ex-congressman ng Biliran na si Atty. Glen Chong.

Ayon kay ­Pimentel, matagal na ang kaso at hanggang ngayon ay wala pa ring suspek ang PNP.

Ito na aniya ang tamang panahon para tumayo ang PNP at pabilisan ang proseso ng kanilang imbestigasyon.

“It is tragic enough for any family to lose a member in such a violent way, but for the crime to go unpunished is the bigger tragedy and injustice. I call on the PNP to double time and solve Santillan’s murder. Long overdue na ito,” giit ni Pimentel.