Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santillan kinontrata ng RoS

0 389

Asahan na magpapakita ng gilas para sa Rain or Shine sa darating 46th PBA Philippine Cup 2021 sina rookies Leonard Santillan, Franky Johnson, at Anton Asistio na nabigyan ng kontrata ng koponan nitong Lunes.

Kasamang pumirma ng kasunduan ng tatlong basketbolista na mga umeksena sa 36th PBA Rookie Draft 2021 nitong March 14 ang mga opisyal ng team sa Pasig City sina basketball players agent Marvin Espiritu at sina RoS owner Raymund Yu, governor Atty. Mert Mondragon, assistant coach Jireh Ibanez at alternate governor Edison Oribiana.

Isa sa bumida sa nakaraang Draft si first round, fifth overall pick Santillan, na naglaro sa MPBL, PBA D-League, Chooks-to-Go 3×3 at UAAP sa La Salle Green Archers, na nabigyan ng three-year contract ng team.

Tinanggap ni Filipino-American at second round, 17th overall choice Johnson ang two-year deal habang si former Ateneo Blue Eagles guard at second round, 22nd overall selected Asistio may one-year naman.

Planong magbukas ng pro league sa April 18 sa Ynares Center sa Antipolo. (Janiel Abby Toralba/Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.