Abante Tonite Interactive

Santillan, Marinero buhay pa sa playoffs

0 188

Nagbaon si Leonard Santillan ng 15 points at 14 rebounds para pa­singhapin pa ang tsansa ng Marinerong Pilipino sa playoffs seat sa 9th PBA D-League 2019 eliminations, inalpasan ang Metropac-San Beda 88-85 sa overtime, Huwebes sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Ang tres niya sa hu­ling 69 segundo ng five-minute extra periods ang nagbigay sa Skippers ng 84-79 bentahe at masigurado ng Skippers ang 4-4 win-loss record sabay haltak sa biktima sa 6-3.

Muling nagparamdam si Jhonard Clarito na pinoste ang limang puntos sa 12 points niya sa OT.

Abante Hiring – IT dep

Pwede pang maka­pwersa ng 2nd OT ang Movers sa pag-init ni Clint Doliguez. Pero mintis ang huling tirada sa labas ng arc ni James Canlas kasabay ng buzzer.

“Sinasabi namin sa kanila, ‘yung chance wala sa kamay natin, pero ang trabaho is yung natitirang dalawa nating laro. At least ‘yung chance, nand­yan pa,” suma ni coach Yong Garcia.

Matikas na bumalik naman mula sa 1-larong suspensiyon si Stephen Siruma, humulma ng 13 points, 5 assists at 3 rebounds, para bisigin ang Che’Lu Bar and Grill (5-3) nang ihawin ang AMA Online Education (2-5), 115-77.

Samantalang, nagbaon si Alvin Pasaol ng 29 pts. at 11 rebs. para akayin Petron-Letran (6-3) na tagpasin ang Batangas-EAC (2-7), 115-73. (Fergus E. Josue, Jr.)