Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santillan paaangasin ni Belga

0 551

Magsasama ang magkapatid na Javee at Kenneth Mocon sa Rain or Shine.

Parehong galing San Beda ang mag-utol, third round pick ng Elasto Painters si Kenneth noong Linggo sa virtual PBA Season 46 Draft.

Puwede sa 1-2 si Kenneth, kilalang defender at scorer si Javee na isa sa mahalagang piyesa ng rotation ni dating coach Caloy Garcia.

Sa kanyang unang opisyal na aktibidad bilang bagong coach, natugunan agad ni Chris Gavina ang kakulangan ng Painters.

Manipis ang frontline na pinagsasalitan nina Beau Belga at Jewel Ponferrada, pinasakan ng RoS nang kunin sa No. 5 overall si Santi Santillan. Kayang umiskor ng big man mula De La Salle, higit sa lahat ay may depensa na babagay kina Belga at Ponferrada.

Puro guards na ang sumunod na tinawag ng Painters, obvious na gustong bawasan ang playmaking chores ni Rey Nambatac para mas makapag-concentrate sa opensa.

Sa second round, pinik-ap ng Rain or Shine sina Franky Johnson, Anton Asistio at Andrei Caracut. Pagkatapos ni Mocon, sina RJ Argamino at Philip Manalang ang isinunod sa fourth at fifth rounds.

May tira sa labas ang mga guard na binunot ni Gavina, kaya asahan ang mas marami ring opsiyon sa opensa ng team sa pagbubukas ng 2020 Philippine Cup sa April 18 sa Ynares Center sa Antipolo. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.